NOTE: This is a tag-lish entry. I apologize if you won’t be able to understand what’s written here.
Marami ang nag-abang. Marami ang umasa. Ngunit muling di binigo ni Manny “Pacman” Pacquiao ang ating bansa, ang ating mga kababayan. Panalo sa Manny! Bwahaha! Astig ng pagkatumba ni Morales. Bwahaha! Kahit hindi ako nanonood ng boksing talagang natuwa ako sa nakita ko. Aba! Sinong Pilipino ang hindi matutuwa?!
Tama na ang katuwaan. Back to reality.
Last Wednesday, my groupmates told me that I have to go to our coordinator for some important matters. I went there and I just realized the purpose of consulting her. She told me that we should pass our thesis manuscript on February 8 and the defense will be held on Feb15. Lintek. Malapit na iyon. Yun yung biglang naisip ko. Halong panik at presyur ang naramdaman ko. Siyet! Wala pang natatapos ang grupo ko.
Last Thursday, my professor almost knocked my head on the door about our research. Natauhan ako na kelangan ko ng kumilos. Natauhan ako na imposible pa ang Music Therapy and Pain Level of Cancer Patients na topic namin sa thesis. Natauhan ako…. at eto.. napagdesisyunan kong magiba ng topic. 18 days before the passing of manuscript bigla kong naisipang magiba. 18 days yun! At hindi madaling tapusin ang manuscript sa loob ng 18 days. Siyet. Panic mode again. Gagraduate nga ba kame? Marami rami din ang hindi nakakagraduate dahil sa thesis. Lintek. Mawawala na yata ang pangarap kong makapag board exam sa June. Oktoberyan pa yata ang nagtatype na lokang ito. Siyet uli. Ang daming taong umasa sakin na makakagraduate ako sa April… pero mukhang hindi ko yata matutupad yun dahil sa lecheng thesis na ito. Hay… kung hindi man ako makagraduate.. sana maintindihan nila. At sana matauhan ang aking mga kagroupmate. Iyon ang kinasasama ng loob ko. Kung naaalala mo, napost ko sa previous entry ko yun “Worth pa ba ako bilang lider?” Inappoint akong lider dahil sa tingin nilang may “k” ako para maging isang lider.
Sino nga ba si Xyla bilang isang lider? Noon at ngayon…?
Noon: Prangka, istrikto, mataray, perfectionist pero in the end.. nakakaappreciate naman. Kaya kong mangbagsak noon kung kinakailangan matauhan ang isang kagrupo. Kaya kong sabihan ang tao kung ano ang hindi ko nagustuhan. Hindi ko ginagawa iyon dahil selfish ako.. ginagawa ko iyon.. para matuto sila.. naging ganoon ako dahil gusto ko, walang mangiiwan at walang mapagiiwanan. Maraming tao ang nagalit sakin. Maraming nakipagaway sakin dahil sa ganong sistema ko. Hindi nila ako naintindihan.
Napagisip isip ko na baguhin ko ang aking sistema…
Hindi ko tinanggap ang pagiging lider noong ako’y nasa 3rd year college. Sabi ko sa sarili ko.. gusto kong magobserve.. at siempre.. mamahinga.
4th year na…
Ngayon: Ano nga ba masasabi ko? Parang wala. Ewan. Nabawasan ang pagiging mataray. Nabawasan ang pagiging istrikto… nabawasan lahat ng nakalagay sa “noon:” Pero.. anong nangyari ngayon? Parang kalmado lang mga groupmates ko. Nung thursday, naiiyak na ako. Pinigil ko ang aking pagluha sa dahilang ayokong makita nila akong mahina at nanghihina sa presyur. Lalapitan ako ng kagroupmate ko.. sasabihin.. “Xy, musta na yung research?” Hanggang ganon na lang. wala man lang bukal sa kalooban na pagtulong. Kelangan ko pa silang untugin… kelangan ko pa silang utusan para kumilos. Pag nagtaray ako.. alam ko… marami nanaman akong maririnig habang nakatalikod ako. Sasabihin nila.. masyado kong sineseryoso. Lintek. Dito nakasalalay ang future ko.
Sino na si Xyla bilang lider? Selfish. Iniisip ko na lang… sige.. kahit ako na gagawa nitong thesis na ito.. Importante.. MAKAGRADUATE AKO. take note: AKO. Kung ano man ang mangyari sa defense at malaman ng panel na ang iba ay walang itinulong… ewan ko na lang. Sasabihin nila.. may itinulong sila… Sa Pagtatype? leche. Anong tulong iyon? Ang sakit ng utak at ulo ko sa kakaisip para sa punyetang thesis na ito… at isusumbat sakin ang pagtatype? Shet.. Pwede kayong maglagay ng sandamakmak na salonpas sa mga daliri ninyo sa pagod sa pagtatype… Pero ni-isang gamot.. walang makakapagkalma ng presyur na ito. Lalo na ako lang ang nagiisip para sa thesis na ito.
Kung sasabihin ninyo, bakit hindi ko sila kausapin… Nakausap ko na po sila. Ilang beses na. Hindi ako martir na tao.. at lalong lalo na hindi ako isang casette tape na pwedeng umulit ng umulit ng sermon at pakiusap. Sawa na ako. Sawang sawa na talaga.
Ipinagdadasal ko na lang talaga sa Diyos na makagraduate ako. Sana magkaroon ng mirakulo. Magpapapiyesta ako kapag nakagraduate ako ngayon April.
Siya nga pala.. bago naming topic for thesis: “The Rate of Usage of Conventional Medicines in comparison to the Rate of Usage Alternative Medicines of the Community Residents of Barangay Biluso in Silang, Cavite”
Ang pangarap naming Music Therapy ay ang strongest design for thesis… dahil experimental iyon… Ngayon.. ang Conventional and chuvaness na aming pinaguukulan.. o aking pinaguukulan ay ang weakes design for a thesis. dahil ito ay descriptive research lamang. Hay. Goodluck naman sa akin.
PS.
Okay na pala yun kapatid ko. Eto, inaaway nia na uli yung ate niyang presyurd.





Xyla. 22 years old. Female. Registered Nurse since
2006. FEU Graduate. 












This weblog is owned by me, Xyla De Vera. Contents here are copyrighted to me unless, otherwise stated. Images,brushes and contents taken from other sites are credited here.
