September 23rd, 2006
Buhay Nursing Student
filed under Uncategorized with

As usual, kapag nagiinternet ako, dumadaan ako sa mga blog ng kung sino. Basta click lang ng click tapos kapag nagustuhan ko yun blog, binabasa ko. Sakto, napadaan ako sa blog ni Irish at nagkukwento siya about sa experience niya sa emergency room. Ayan, nagmuni-muni nanaman ako. Namiss ko tuloy ang buhay nursing student. Yun tipong pag uwi mo ng bahay, kahit pagod na pagod ka na, gusto mo pa rin iblog yun mga nakakatuwang pangyayari sa duty mo… o di kaya’y mga katangahan mo sa ospital.

Nakakalungkot isipin na may mga ibang tao na mababa ang tingin sa mga nursing students. Bakit kamo? Eh kase nga dahil sa naging in-demand ang kursong ito, sandamakmak na mga estudyante ang kumuha nito para lang sa kanilang American Dream or Australian Dream or London Dream o kahit ano pang bansang Dream mo. Iniisip ng ibang tao na “Ay, mukhang pera ito dahil nagnursing” o di kaya’y “Ay, nag nursing ito kase walang gustong gawin sa buhay kaya pinagdesisyon na lang niya ang mga magulang niya“. I-deny man natin ito o hindi, yun ang naririnig natin sa mga mapanghusgang tao. Tulad na lang ngayon, na ang tingin sa Batch 2006 ay mga mandaraya. Ay teka, ayoko mapunta sa leakage topic na yan dahil natotorete na ako sa mga sanga-sangang issues na hanggang ngayon eh di maresolbahan.

Maraming tao ang di nakakaalam na masarap maging isang nursing student. Bakit? Dahil marami kang naeexperience na hindi naeexperience ng ibang mga tao. Maraming mga magagandang at masasamang bagay na uukit sa iyong puso at isip na kelangan man ay di mo makakalimutan, pwera na lang kung nagka-amnesia ka. Pero sabi nga nila, makakalimutan mo ang mga pangyayari, makakalimutan mo ang eksaktong mga dahilan ng mga pangyayaring iyon, pero di mo makakalimutan ang naramdaman mo noon - mapait man o matamis.

Masasabing nursing student ka kapag nasubukan mo ng magkape, mag-Red Bull at mag-apple Juice in one sitting. Yun tipong lalaklakin mo lahat ng energy drink para lang mamemorize mo ang cardiovascular system… at pagkatapos mong basahin ang buong chapter, ang naintindihan mo lang eh ang tunog ng heart. Lub-Dub. Lub-dub. Kung medyo nagtitipid ka naman, Extra Joss naman ang iinumin mo, o di kaya’y Stork na lang tapos pagiisipan mo pa kung ibababad mo ito sa mainit na tubig at curious ka kung ano lasa nito pero di mo na lang ginawa kase alam mong mukha ka ng tanga noon. Nursing student ka kapag nasubukan mo ng maglaba ng white shoes linggo-linggo dahil requirement sa ospital na pagdudutyhan mo ang maputi at malinis na sapatos. Naniniwala ka na ang toothpaste ang makakapagpaputi nito dahil ginamitan mo na ng puting jobos at puting kiwi at lahat-lahat, hindi pa rin ito pumuputi. Pagkatapos naman ng ilang oras sa paglilinis sa nagiisang pares lamang ng sapatos, pwede ka nang maging dance instructor sa sobrang kaputian nito. Kumikinang-kinang pa! Nursing student ka kapag kaya mong kumain ng breakfast/lunch/dinner sa loob lamang ng 5 minuto o masmabilis pa dun. Pwede ka ng sumali sa Guiness Book of World Records! Nursing student ka kapag napakakulay ng libro at mga notebook mo. Yun tipong ginawa mong coloring book ang P1000 pesos na napaka-kapal na libro. Di mo rin mapagkakaila na meron ka laging alcohol sa iyong bag. Yun tipong lahat na ng hahawakan mo eh pupunasan mo muna ng alcohol dahil ayaw mong makipagkaibigan kina pareng pathogens. At di mo na madeny sa sarili mo na OC-OC (pronounced as ok-ok) ka also known as Obsessive-Compulsive. Naranasan mo na ding matawag ka na hairpin na tinubuan ng tao. Yun tipong magigising ka ng madaling araw para maayos ang buhok mo dahil kelangan malinis kang tignan. At dahil di porket nursing student ka ay wala ka na sa uso, ginupitan mo ang iyong bangs sa pamamagitan ng bandage scissors. At dahil maikli na ang bangs mo, kelangan mo na din itong itago sa pamamagitan ng sangkatutak na hairpin. Binigay mo na lahat ng effort mo sa pagtago ng bangs mo dahil ayaw mong masita, tapos makikita mo ang supervisor ng ward na pagdudutyhan mo, MAY BANGS! Sosyal! Naiinis ka dahil nagpakapuyat ka para sa isang quiz pero lahat ng inaral mo hindi lumabas. Pinadrawing ka pa ng cell at ang nadrawing mo lang ay ang mitochondria dahil yun ang pinakafavorite mo.. este, yun lang pala ang kaya mong idrawing kasama na din ang mga ribosomes. Nagkakaroon ka na din ng tremors at iniisip ng magulang mo na ke-bata bata mo pa eh may Parkinsons disease ka na. Di nila alam na 8 hours kang nagpipitik ng swero/dextrose dahil may mga bubbles ang IV line ng pasyente mo. Nakagalitan ka pa ng isang staff nurse dahil tumulong ka sa pagrolyo ng mga bulak. At dahil aliw na aliw ang mga kaklase mo, nakisali ka. Pero sa kakarolyo ng bulak eh nangitim na ito at lahat ng ginawa mo eh tinapon na lang sa infectious bin. Di mo rin maiwasan ang panginginig. Iba pa ito sa mga tremors na nararamdaman mo sa kakapitik. Ito ay dahil kinakabahan ka talaga sa paginject. Naramdaman mo na ring sumuka at manghina ang tuhod dahil nakita mo na ang mga mala-isaw na binebenta sa kanto na mga intestines ng pasyente mo. At di mo rin mapagkakaila na na-immune ka na sa amoy ng jebs ng pasyente mo at dahil banas na banas ka at wala yun nursing attendant, ikaw ang napagutusang palitan ang diapers ng 60-year old mong pasyente. Take note, puro jebs ang diaper at kalat pa sa buong katawan niya. San ka pa?

Naku.. ang daming nakaka-asar sa pagiging nursing student. Pero nakakatuwa din dahil marami kang naeexperience. Marami kang natututunan. At higit sa lahat, kahit alam mong maraming nakaka-asar na bagay sa pagiging nursing student, napapawi ang pagod mo kapag pinapasalamatan ka ng mga pasyente mo dahil sa pag-aalaga sa kanila. Balewala na ang hirap at sakit na nararanasan mo. Makita mo lang ang mga pasyenteng nakangiti sayo at nagpapasalamat, para ka ng nanalo ng isang milyon. Dagdagan mo na din ng bahay at lupa at kotse. Natalo mo pa si Nene ng Pinoy Big Brother o di kaya si Marky Cielo ng Starstruck 3.

Kaya kung ikaw ay isang nursing student at binabasa mo ito ngayon, ayos lang yan. Kakayanin mo yan. Huwag mong isipin ang mga paghihirap mo. Ang isipin mo na lang eh ang mga dolyar na makakamkam mo, este ang mga magagandang aral na mapupulot mo sa isang pagiging nursing student. O siya, kita kita na lang tayo sa ospital.

Share This Post

  1. 4Avatars v0.3.1 v0.3.1irish wrote:
    September 23rd, 2006 at 6:21 am

    haha, i love your entry ♥ nakakarelate ako.

    alam mo ganyan din feeling ko, kahit galing akong duty eh gusto ko talaga i-blog yung naging experience ko, kahit pagod talaga ko. Saka oo, ako naiinis ako dun sa ibang tao na ginagawang mukang pera ang mga nursing students. Hmf.

    Masarap talagang maging nursing student kasi kakaiba ang mga maeexperience mo dito, ako nga sa E.R. pa lang ako at pagrorolyo ng bulak pa lang ang katangahan na nagagawa ko, pero naaaliw na ko. Kinakabahan man ako pag nakuha ng BP, pero sige kaya yan.. sabi mo nga di ba Practice makes perfect :)

    Marami mang sinasaulo sa nursing, pero iba pa rin talaga ang experience :) ..at oo, effective sakin yung toothpaste sa paglilinis ng white shoes, haha :p Ang hirap paputiin ng white shoes, ever. :s at yes, may alcohol din ako sa aking bag, mini alcohol, haha :p at pati ang hairpin ko sa buhok, sangkatutak talaga.. Hindi pa naman kami magduduty sa OR kaya hindi ko pa naman alam ang mga ichurahin ng intestine, haha. Pero sana naman makayanan ko yung mga jebs, jus ko.

    Kahit pagod tayo, eh masarap nga ang feeling kapag naging okay ang pasyente natin. :) agree ako sayo, ate xy :)

    goodluck sayo, buti ka pa graduate ka na ^-^

    [Reply]

  2. 4Avatars v0.3.1 v0.3.1M2 wrote:
    September 23rd, 2006 at 2:35 pm

    Rar. Ang hirap no?

    Sa mundo ko naman, endless days and nights of conceptualizing ideas, writing papers na pagkahaba haba with matching references, at syempre may mga quizzes din na essay na nga lang, hindi pa malaman kung saang lupalop nanggaling ang tanong.

    Buti ka pa Xy grad ka na! :)

    [Reply]

  3. 4Avatars v0.3.1 v0.3.1Marj wrote:
    September 23rd, 2006 at 4:56 pm

    Grabe, that’s why I never imagined myself taking up Nursing though everyone else does. Bukod sa puyat almost every night, staying up late only because of cramming for tomorrow, di ko rin talaga ma-take yung gross part. Whew! Buti graduate ka na, and nakayanan mo lahat yun. Hahaha! Kakabilib talaga! ;P

    [Reply]

  4. 4Avatars v0.3.1 v0.3.1Reyn wrote:
    September 24th, 2006 at 2:35 am

    muntik na akong maka-relate.. hehe. ate, i made an entry about my experience too. hindi man ako naging nursing student talaga.. muntik ko na syang maabot.. =]

    health care pa lang sumusuko na ako e.. hindi ko na maimagine ang sarili ko sa N100 etc.. XD

    [Reply]

  5. 4Avatars v0.3.1 v0.3.1dana wrote:
    September 24th, 2006 at 12:56 pm

    ate xy…woosh sana makayanan ko ang nursing!hanga ako sayo..:)

    [Reply]

  6. 4Avatars v0.3.1 v0.3.1Shari wrote:
    September 24th, 2006 at 6:13 pm

    I have to admit I look lowly on some Nursing students; those who took it up just for the money and just because his/her parents want him/her to. I’ve always believed that you should have the passion for what you’re doing. Skills are easy to sharpen; love isn’t. And you can’t actually blame the others for thinking negatively about Nursing students; it happens. The only bad thing about it is that they tend to generalize.

    Didn’t take up Nursing because I hate memorizing. I abhor memorization because I feel I don’t learn anything from sticking facts into my mind. The perfect thing about Nursing is that you put into practice what you memorize, and from this practice comes knowledge itself. I love helping people; still, I wouldn’t be caught taking up Nursing.

    The hard thing about being a Communications student is the 24-hour research and conceptualization. You guys have references to read; we people have to make ideas from scratch. Hugot dito, hugot dun. Kung may nahuhugutan man.

    All courses have their own beauty and the beast experiences. Savour the experience. Eat it, learn it, live it, love it.

    Kudos for having survived Nursing.

    [Reply]

  7. 4Avatars v0.3.1 v0.3.1UNPRETTY SUPLADA wrote:
    September 25th, 2006 at 2:59 am

    Hahaha nkakatuwa nman tong entry mo Ate Xy!! Naaliw ako sa pagbabasa, dati nun bata ako panagarap ko din maging isang nurs o di kaya nma’y isang duktor kaya lng nagbago ang pangarap ko hindi dahil na patunayan kong sa sarili kong takot ako sa dugo (hahahaha) hindi pla ako nababagay at lalong di pla akong ganoong katapang pagdating sa mga ganoong bagay (hehehe). Pero humahanga ako sa mga nurs na tulad mo o sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong yan dahil alam kong hindi totoo na pera o dolyar lng ang habol nila kung bkit nila kinuha ang kursong iyon, kundi ang hangaring makatulog sa mga nangangailangan…

    [Reply]

  8. 4Avatars v0.3.1 v0.3.1Rachel wrote:
    September 25th, 2006 at 6:29 am

    Naniniwala ako mahirap ang nursing… lahat naman ng fields mahirap at hindi basta basta pero saludo ako sa nursing kasi buhay ng tao ang pinag-uusapan dito. kaya nga di ko carry medyo matatakutin ako at mahina ang loob. minsan talaga madaling magjudge ang tao hindi kasi nila alam yung current sit., hmm hayaan mo na lang sila ang importante kung san ka masaya sis. si God na ang bahala don.

    [Reply]

  9. 4Avatars v0.3.1 v0.3.1eiss wrote:
    September 25th, 2006 at 1:53 pm

    Hi ate xyla! Sobrang natutuwa naman ako sa post mo. Sobrang nakarelate ako sa cardiovascular system, ang pinakanaintindihan ko lang eh yung tunog ng heart. Every time na puyatan eh kung anu-ano na ata iniinom ko para lang wag makatulog. Nung nagpadrawing ung prof namin ng cell, naku, super inis ako. Mitochondria at ribosomes lang ang alam kong idrawing! Yung libro at photocopies ko eh super colorfull na dahil sa dami ng highlights, hindi naman kasi ako gumagawa ng reviewer dahil wala din namang pinag-iba. Super bilis din ako kumain, kahit na nga sabihin ng prof namin na 20-30 times dapat i-chew ang pagkain eh wa epek yun. Marami pa ako maeexperience since 2nd year pa lang naman ako, sana lang eh makayanan ko ang intestines at jebs. Yung intestines siguro eh kaya ko pa, pero yung jebs… Naku pow…! ewan ko lang!

    [Reply]

  10. 4Avatars v0.3.1 v0.3.1Miko wrote:
    November 9th, 2006 at 9:28 pm

    Love ko tong entry na to! Hahaha, I’m a nursing student as well but here in the US. Kung sipagin akong itranslate eto sa English, ipapabasa ko sa mga kaklase ko. Sigurado matatawa tawa nalang kami dahil can relate talaga! :)

    Di talaga maiwasan na may mga taong nagnunursing lang para sa pera (aminin, talaga namang okay ang sweldo and opportunities), pero ako iniisip ko nalang.. Hindi makakatagal yung mga ganun sa profession. Kahit sa school namin, mahigpit talaga yung nursing program.. May mga iba talagang di nakakapagtapos kasi minsan di talaga buo yung loob magnursing, kaya ayaw mag-aral at palpak din sa clinicals.

    Anyway, congrats sayo! Isa ka ng RN. Napadpad lang ako dito.. Di ko alam kung san galing. Goodluck and God bless! :) Baka magtagpo tayo dito sa Amerika. :D

    [Reply]

Type your comment here:

Hello there! You are currently browsing my online journal. This is best viewed in a 1024 x 768 resolution. Feel free to read my rants, raves, thoughts and opinions. I'd really appreciate it if you leave a comment in my entries or post your shout outs at my shout box. But take note, only constructive criticisms are allowed. Bashing and disrespectful comments are not allowed. That's all. Thank you and welcome to my life. :)

Xyla. 22 years old. Female. Registered Nurse since 2006. FEU Graduate. Lunatic Forum Admin. Teentalk Senior Moderator. Writer. Blogger. Music Lover. Advice Giver. Strict Leader. True Friend. Faithful God's servant. Responsible Woman. Loving and Loyal Girlfriend. Dreamer and Achiever. Last but not the least, wants to be an inspiration and a role model to youth.

My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

I won in the Candy Teen Blog Awards 2008 for the People's Choice category. Thanks to all the people who supported me. I owe it to you guys. =)

My website is still under construction so please bear with it.






Plurk.com

Plurk with me!

Name:
Email Address:
Website URL
Category
Your question:

create web form


Free chat widget @ ShoutMix

Note: Shout outs/comments in my chatbox will be returned in your websites/blogs/email add. Thank you!

Online Readers

Personal - Top Blogs Philippines

This weblog is owned by me, Xyla De Vera. Contents here are copyrighted to me unless, otherwise stated. Images,brushes and contents taken from other sites are credited here.

Add to Technorati Favorites

Subscribe to this feed

Creative Commons License

Nursecissism by Xyla De Vera is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Permissions beyond the scope of this license may be available at http://nursecissism.com.
<