Yun mga naka-italicized na words, di lyrics yun. Komento lang ng inyong lingkod. Hehe. Enjoy!
by Mojofly
Verse 1
Laging bigo, laging sawi-sa pagibig
Kaawa awa. Umpisa pa lang, bigo na kaagad!
Minamalas o kay sakit; may balat nga ba ako sa pwet
Ganon ba talaga yun? Kapag malas laging may balat sa pwet? Di ba pwedeng, may balat sa siko? Sa buhok? Sa mata? Bakit kaya lagi na lang sa pwet. Ano ba history nito?
Mabuti pa ang tindera sa aming kanto
Nakakainggit TL ang sweet nila nang kanilang nobyo
Isang magandang halimbawa ng pagiging chismosa. Pati buhay ng may buhay pinapakialamanan! Pero pwede rin namang napatingin lang naman siya diba?
[Refrain]
Gusto ko lang; maranasan umibig tamaan ni kupido
Tamaan? Nakakamatay yan ‘tsong! Sakit yan. Matetano ka pa. PRAMIS!
Gusto ko lang maranasan; tumibok muli ang puso ko
Hala?! Bakit? Kelan pa hindi tumibok puso mo?!! GUARD!! DALHIN NA ‘TO SA MENTAL!!
[Chorus]
Tumatakbo ang oras naiiwan na ako ng panahon
Duh?! Habulin mo kaya?
Di na nagbago bawat araw pare-pareho
Parang kahapon
Isa pang DUH?! Malamang pare-pareho. Siempre, pagkatapos ng Linggo, Monday na uli.. Tapos Tuesday.. Pag Linggo na.. Monday na uli! Mahirap
yata yun iba iba… Hirap umisip..
Tumatakbo ang or—a-haa–s.
Elibs ako dito! Either tumatakbo na yun ahas.. or bumibirit na talaga dito si Lougee. Napaisip ako… bakit kaya kapag bumibirit.. Lagi na lang nagkakaroon ng letrang H! Saan kayang lupalop nanggaling yun? Silent H yata.
Verse 2
May birthday cake ka nga
Ngunit wala namang kandila
Eh ano ngayon?! Importante may cake! Kesa naman may candila pero walang cake. Nangingialam ka nanaman eh!
May christmas tree na malupet;
Wala naman dekorasyon pansabit
BOOM! Guilty! Haha! Minsan wala nga kameng design sa christmas tree namin. Tapos yun christmas tree pa namin kasingliit yata ni Mahal.
Na nakapatong lang sa table. Pwedeng ilipat. Nasa sala, balcony, kwarto, garahe.. kung gusto mo sa banyo.. pwede rin.
[Refrain]
Sadyang ganyan ang aking buhay
Walang kasing tamlay
Naku tsong… Clusivol lang yan. Pwede ring United Homes Ferrous Sulfate o di kaya’y Tiki Tiki.
Ayoko sanang tumandang- nagiisa
Naku.. sinabi mo pa..
[Repeat Chorus]
Pakibasa na lang uli yun chorus. Alangan namang ulitin ko pa..
[Bridge]
Tatangapin nalang ba ang mapait na tadhana
Wala tayong magagawa eh.. Ganyan talaga.
O kaya’y
Tatangapin nalang ba na ako’y
Sadyang hindi pinagpala
In other words, MALAS!
Tigilan na ang drama;
Pwede mo sana ipagpatuloy kung binabayaran ka sa pagdadrama mo. Yun tipong pwede kang rumampa sa entablado para kunin ang iyong Best
Actress Award.. Kaso.. di ka artista eh.. So pwede mo itigil ang pagdadrama
Punasan na ang luha
O eto, tisyu.
[Repeat Chorus 2x]
Sabing pakibasa uli eh! ANO BA!
Coda
Ay susyal! Coda ito!
Tumatakbo, tumatakbo, tumatakbo naiiwan na ako (2x)
Hala! Sige! Habulin mo! Bilis!!
Ayos ba pare? *wink* Hay. Sarap kumanta. Ganon na lang siguro gagawin ko para makalimot sa mga mapapait na nakaraan. I thank you. Bow.






Xyla. 22 years old. Female. Registered Nurse since
2006. FEU Graduate. 












This weblog is owned by me, Xyla De Vera. Contents here are copyrighted to me unless, otherwise stated. Images,brushes and contents taken from other sites are credited here.

October 13th, 2006 at 8:31 am
Lola XY, isa yan sa mga peborit kong kanta eh. Ayos mga komento mo ah. lol
Sige kanta na alng ikaw. Miss you.
~Anne
[Reply]
October 13th, 2006 at 8:46 am
haha.. ayos na ayos..
[Reply]
October 13th, 2006 at 3:08 pm
hehe.. natawa ako dun ah! :P
[Reply]
October 13th, 2006 at 4:14 pm
Hehe, naririnig ko nga yang kantang yan. ^_^
Onga pala, kumusta naman ang nursing decision? I hope hindi kayo kasama ng mga kaibigan mo sa mga magre-retake. :)
[Reply]
October 14th, 2006 at 2:39 am
Hahaha! Nakakatawa naman yan! ;P
Ayaw ko rin tumanda ng mag-isa. Aba! Sino ba naman may gusto non di ba??
Hay nakoh, malay mo yung susunod na magiging tru lab mo eh talagang siya na! ;)
Hintay ka lang, meron din diyan para sayo. :D
[Reply]
October 14th, 2006 at 3:56 am
hehe. salamat sa mga komento! kay anne, shari, avy, jasmin and marj.
Shari: sana nga di kame kasama. nanganganib pa rin pala kame… kahit walang leakage.
Marj: Yeah. I know naman na I’ll meet him somewhere. Hihi!
[Reply]
October 14th, 2006 at 4:57 am
aww.. that was a funny yet cute post! =)
[Reply]
October 14th, 2006 at 7:36 am
wow bravo sis. hay alam mo ba naaadik ako ngayon sa mojofly kaya naman natuwa naman ako nung pagbisita ko dito sa blog mo e ayan. nakakatuwa ka talaga, lakas tama mo sis. okey yan smile pa din kahit na anong problema.
[Reply]
October 14th, 2006 at 8:48 am
Naku, kaya niyo yan. Lalo na ikaw. Ikaw pa? :p
[Reply]
October 14th, 2006 at 10:22 am
Gawd, I can relate to that song big time.
Nakakatuwa naman yung mga commentaries mo. Thanks for the laugh. :-)
[Reply]
October 14th, 2006 at 10:56 am
if this song was released at an earlier time, this could’ve been my song too. hehehe :P
yep, Ryan is my bf :D
[Reply]
October 14th, 2006 at 1:40 pm
waha..song ko yan kay panget…kasi ganyan ung buhay non nung nagkakilala kami eh…anyway…song ko din yan…magdamayan na lng tayo…
[Reply]
October 14th, 2006 at 6:36 pm
“May birthday cake ka nga
Ngunit wala namang kandila
Eh ano ngayon?! Importante may cake! Kesa naman may candila pero walang cake. Nangingialam ka nanaman eh!”
hahaha! the best ang hirit!!
ako rin theme song ko yan. nung first time ko na narinig yan, aba! sapul na sapol ako! bwisit na kanta yan…pamukha daw ba…haay. hay hay! pero grabe, tama ka…ganito na lang ang dapat gawin para makalimot…my gulay!
[Reply]
October 15th, 2006 at 3:57 am
ATE XY!!! Nahagilap na naman kita @ back 2 blogspot nadin ako wahahahaha! wala lang! :D ung song na yan naaalala ko sa show namin sa scene ko kinanta yan bwahahahaha! Pde ask ano ung code for archives? :D thanks! ^________^ http://dirrtyfiles.blogspot.com
[Reply]
October 17th, 2006 at 10:39 am
aliw ang post na ito ate xy!:D
[Reply]
October 17th, 2006 at 12:51 pm
hehe. kaboinks. kulet.
[Reply]
October 19th, 2006 at 1:58 pm
hehe natawa naman ako dito, like ko ang song na yan kahit hindi ako makarelate :) ehehe
binasa ko yung entry mo about d day :) ano na balita? ^-^
[Reply]
October 19th, 2006 at 4:24 pm
Nung isang araw pinag-uusapan namin yan ng kabarkada ko. Hehe. Song we can relate to daw namin yan. :)
[Reply]
October 21st, 2006 at 12:37 pm
aba..aba!! hehe. Kantahan time!
[Reply]
October 22nd, 2006 at 3:45 am
w0wwww.. ganda ng url mo xy. hahaha nursecissism. buti kpa graduate na. naku ako mahaba habang paglalakbay pa ang pagdadaanan. hahaha LET’S GO TAMARAWS!
[Reply]
October 23rd, 2006 at 4:42 am
Thanks everyone for liking the commentary I did. Haha. Ewan. baliw yata ako nung pinost ko yan. Yan yung “kasagsagan” ng pagiging bigo ko sa pagibig kaya napost ko. Pero okay na ako ngayon. Ahihi! Salamat.
[Reply]
November 14th, 2006 at 11:53 am
ateh! ang kulet! :) pasaway! :) hehe..
[Reply]