Bato, bato sa langit. Ang tamaan, sorry sinadya ko. Tao lang… >:)
Hindi ka ba nahihiya sa kakareklamo mo dahil maliit lang ang allowance na binibigay ng magulang mo at sa pagpapabaya sa pag-aaral mo samantalang maraming mga kabataan ngayon ang hindi nakakapag-aral?
Hindi ka ba nahihiya dahil sa kakakutya mo sa mga tao sa paligid mo? Bakit? Perpekto ka bang tao?
Hindi ka ba nahihiya sa paninira sa ibang tao na walang kamalay-malay at walang ginagawa sa’yo at sa mga pagdadaldal mo na wala namang katuturan? Insecure ka noh? Ni minsan ba tinignan mo ang sarili mo? Masmasahol ka pa sa taong sinisiraan mo. Ayusin mo nga buhay mo. Nagiging walang kwenta ka na eh. Sayang ang buhay na binigay sa’yo ng Diyos.
Hindi ka ba nahihiya dahil reklamo ka ng reklamo sa pagkaing nakahain sa harap mo pero milyon-milyong mga tao ang nagugutom. Hindi mo ba alam na may mga namatay na dahil sa gutom?
Hindi ka ba nahihiya sa kakareklamo mo dahil wala ka pang latest na Havaianas, samantalang marami sa atin ang walang pambili ng tsinelas?
Hindi ka ba nahihiya sa pagiging batugan mo? Utos ka na lang ng utos. Wala ka bang kamay at paa?
Hindi ka ba nahihiya sa pagpipilit mong maging sosyal at pag-iingles pero kahit anong gawin mo, wrong grammar ka. Wrong grammar! Wrong grammar! Uhhmm, excuse me bitch, FYI, there’s such a thing called SUBJECT VERB AGREEMENT. Hello? Duh?! (Syet. Ang sama ko noh? hahaha) Kung ako sayo, magpakatatotoo ka na lang.
Hindi ka ba nahihiya sa kakareklamo mo sa suot mong damit? Bakit? Ikaw ba ang nagplantsa niyan? Ikaw ba ang naglaba niyan? If I know, pati salawal mong puro mantsa, di mo malabhan. Kadire ka.
Hindi ka ba nahihiya sa mga milyon-milyong taong naghihirap at nagpapakahirap at nagsisipag para lang may maipakain sa pamilya samantalang ikaw dyan, nakaupo lang at kurakot ng kurakot? Ikaw ba ang nawawalang kambal ni Satanas?
Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo at sa DIYOS dahil sa hangal mong kaluluwa at pumapatay ka ng mga tao para lang sa ambisyon mong posisyon sa gobyerno? Hindi mo ba naisip na ang mga pinapatay mo ay may mga pamilya rin katulad mo? Kung kapatid/nanay/tatay/asawa mo kaya ang patayin, ano ang mararamdaman mo? Siguro, ikaw naman ang nawawalang kapatid sa labas ni Satanas.
Ano? Hindi ka ba nahihiya? Usog ka nga ng kaunti. Natatamaan na ang braso ko sa kakapalan ng mukha mo.






Xyla. 23 years old. Female. Registered Nurse since
2006. FEU Graduate. 













This weblog is owned by me, Xyla De Vera. Contents here are copyrighted to me unless, otherwise stated. Images,brushes and contents taken from other sites are credited here.
